Philippine Embassy, naka-monitor sa aftershocks ng lindol na tumama sa Solomon Islands

Naka-monitor ang Philippine Embassy sa Port Moresby kaugnay ng patuloy na aftershocks sa Solomon Islands.

Kasunod ito ng nangyaring 7.3 magnitude na lindol doon kaninang tanghali.

Ang naturang lindol ay nagdulot ng pinsala sa mga gusali kabilang na ang lumang gusali ng Honiara International Airport.


Nagkaroon din ng mga sunod-sunod na aftershocks at pagkawala ng supply ng kuryente bagama’t bahagyang naibalik na ang mga linya ng komunikasyon.

Wala namang napaulat pang babala ng tsunami habang patuloy ang pag-verify kung may mga nasawi sa pagyanig.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 566 ang mga Pilipino sa Solomon Islands kung saan karamihan ay mga professional na nagtatrabaho sa mga opisina at construction companies.

Facebook Comments