Nilinaw ng Philippine Embassy sa Bahrain na ang sakop lamang ng kanilang repatriation program ay ang undocumented at overstaying na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.
Maaari rin anilang makapag-avail ng kanilang repatriation program ang mga Pinoy sa Bahrain na walang trabaho at may karamdaman.
Ang kailangan lamang gawin ay magpatala sa Assistance-to-Nationals Section ng Philippine Embassy.
Ang may mga travel ban naman o may kaso sa korte at sa pulis ay pinapayuhan na ayusin muna ang kanilang mga dokumento.
Hindi naman sakop ng repatriation program ang mga Pinoy na nais umuwi ng Pilipinas para lamang magbakasyon.
Facebook Comments