Philippine Embassy sa Russia, tiniyak ang seguridad ng mga Pinoy roon

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Russia na walang panganib sa seguridad ng mga Pilipino doon.

Sa harap ito ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Russia at ng Ukraine.

Gayunman, pinapayuhan ng embahada ang mga Pinoy roon na iwasan munang magtungo sa border ng Russia at Ukraine.


Partikular sa Rostov-on-Don at Belgorod o Kursk.

Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Russia na palaging mag-antabay sa mga abiso ng embahada at ng Russian authorities.

Tiniyak din ng Embahada ng Pilipinas na handa silang i-assist ang mga Pilipinong papasok sa Russia para sa humanitarian o emergency grounds sa pakikipagtulungan sa Russian Federation authorities.

Facebook Comments