Philippine General Hospital, hindi muna ilalagay sa quarantine ang mga healthcare worker nitong asymptomatic

Nagdesisyon ang pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na itigil pansamantala ang mandatory quarantine para sa healthcare workers at personnel nitong na-expose sa COVID-19 pero asymptomatic.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, ginawa nila ang hakbang upang matugunan ang lumUlobong bilang ng pasyente nito.

Dagdag pa ni Del Rosario, hindi kakayanin ng pagamutan na i-quarantine ang napakaraming empleyado dahil mauubusan sila ng magseserbisyo sa ospital.


Tinatayang nasa 25% ng kanilang workforce ang positibo sa COVID-19 kung saan karamihan dito ay naka-isolate.

Handa namang magbukas ang PGH ng karagdagang wards at kama upang matugunan ang pagdami ng pasyente.

Sa ngayon, nasa 255 COVID-19 patients ang naka-admit sa pagamutan kung saan kalahati rito ay hindi pa nababakunahan.

Facebook Comments