Philippine Maritime, Coastguard at Navy nagsanib-puwersa para paigtingin ang seguridad sa mga pantalan kaugnay sa terror threat sa June 30

Manila, Philippines – Nagsanib puwersa ngayon ang Philippine Coastguard sa District Bicol, gayundin ang Philippine Navy, Philippine Maritime at iba pang ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa banta ng terorista ngayong Hunyo 30.

Ang tripleng seguridad ay ipinatupad ng mga naturang tanggapan ng pamahalaan para siguraduhing hindi makalulusot ang anumang grupo na maaaring maghasik ng kaguluhan sa lalawigan.

Tiniyak ng mga opisyal na ang maaga nilang paghahanda ay para masiguro ang pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.


Facebook Comments