Nanawagan sa publiko ang Philippine Medical Association (PMA) na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa COVID-19.
Sa isang public statement, sinabi ng PMA na hindi nakakatulong sa pagsugpo ng naturang sakit ang pagpapakalat ng maling social media post.
Ayon pa sa grupo, tanging mga nag-aaral ng medisina at siyensya ang dapat pakinggan ng publiko at hindi sa mga haka-haka lamang.
Tinawag din ng PMA na isang uri ng cyber bullying sa kanilang hanay ang mga akusasyong wala namang malinaw na basehan.
Buhay, talino at dignidad na ng mga healthcare workers ang kanilang itinaya para labanan ang virus ngunit hindi naman tama na suklian sila ng mga malisyoso at walang katibayan na akusasyon sa gitna ng pandemya.
Facebook Comments