Magde-deploy ang Philippine Navy ng kanilang contingent sa gaganaping Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise, isang warfare exercise na pinangungunahan ng United States Navy na gagawin simula June 29 hanggang August 04, 2022 sa Honolulu, Hawaii.
Ayon kay Commander Benjo Negranza, spokesperson ng Philippine Navy, ang ide-deploy nila sa RIMPAC ay ang kanilang Naval Task Group (NTG) 80.5.
Ito ay binubuo ng mga tao ng Philippine Navy personnel na sakay sa Jose Rizal-class frigate BRP Antonio Luna (FF151) at ang AgustaWestland AW109 aircraft.
Sila ay aalis sa June 8 mula Naval Operating Base Subic.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na isasagawa ang malaking maritime exercise simula noong 2018.
Layunin ng pagsasanay na i-promote ang regional stability sa Pacific Region.