Live From The Field

24
Isa patay sa banggaan ng SUV at motorsiklo
Kalibo, Aklan – Dead on arrival sa hospital ang driver ng motorsiklo matapos na makabanggaan nito ang isang SUV, Sabado ng gabi sa national highway ng Jaime Cardinal L. Sin Avenue, Brgy. Pook, Kalibo, Aklan.
Ang biktima ay nakilalang si Reyge Aguirre, 36 anyos, residente ng Brgy. Mabilo New Washington habang ang driver ng SUV ay kinilalang si Samuel Fabale, 48 anyos at residente ng Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo, Aklan.
Base sa imbestigasyon ng Kalibo MPS, galing Kalibo at papuntang New Washington ang biktima habang galing naman sa New Washington papuntang Kalibo ang SUV ng mangyari ang banggaan.
Dahil sa lakas ng impact at tumilapon ang biktima sa kanyang motorsiklo at nagtamo ng fatal na pinsala sa ulo at iba pang parte ng katawan.
Nag responde sa lugar ang MDRRMO Kalibo at dinala sa hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor.
Sa ngayon ay naka kulong na sa Kalibo PNP ang driver ng SUV at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at Damage to Property.
Facebook Comments