Philippine Navy, hindi papatol sa ginagawang paghahamon ng Chinese Navy sa West Philippine Sea

Hindi papatulan ng Philippine Navy ang paghahamon ng mga Chinese Navy sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang -diin ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo kaugnay ng presensya ng dalawang Chinese survey vessels sa Recto Bank na mistulang hayagang sinusubukan ang kanilang pasensya.

Ayon kay Vice Admiral Bacordo, ang huling intel report kaugnay sa dalawang vessels ay noong August 9, 2020 kung saan umalis ang isa at pinalitan naman ng isa pa.


Pero para kay Bacordo na hindi naman maituturing na pag-hamon sa Philippine Navy ang presensya lang ng dalawang survey vessels tulad ng ginawa ng isang Chinese Navy vessel noong Pebrero na itinutok ang fire control radar sa BRP Conrado Yap.

Paliwanag ni Bacordo, ang pagtutok ng fire control radar ay hayagang “provocation” at desisyon na ng Commander kung ano ang kanyang magiging katapat na aksyon.

Pero binigyang- diin ni Bacordo na sa mga ganoong sitwasyon, ang unang magpaputok ang matatalo sa “public opinion” dahil ang pangkaraniwang kalakaran ay resolbahin ang mga isyu sa mapayapang paraan.

Pero, maari rin naman aniyang igiit ng Commanding Officer ang self-defense, or unit defense kung talagang kailangan.

Nagpahayag ng pagtitiwala si Bacordo sa kakayahan ng opisyal ng mga barko ng Philippine Navy na gagawin ang tamang desisyon sa mga kahalintulad na senaryo dahil malawak na aniya ang karanasan ng mga ito.

Facebook Comments