Iimbestigahan na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang complaint ng Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena kaugnay sa akusasyon sa kaniya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Ito ay matapos ang alegasyon ng PATAFA na hindi binayaran ni Obiena ang kaniyang coach na si Vitaly Petrov ng 85,000 euros o higit P4.8 million.
Ayon kay POC President Rep. Bambol Tolentino, nasa ethics committee na nila ang complaint at nakausap na rin niya si Obiena bago pa man pumutok ang balita noong Linggo.
Samantala, kahapon ay ipinare-recall na muna sa Senado ang panukalang budget para sa Philippine Sports Commission (PSC) matapos na wala itong gawin sa isyu nina Obiena at ng PATAFA.
Ayon kay Senator Pia Cayetano, tila hindi pinapahalagahan ng PSC si Obiena na isang national athlete.
Nanindigan naman ang PATAFA na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kahit na pinabulaanan na ni Petrov ang alegasyon kay Obiena.