Philippine Ports Authority, inabisuhan ang mga dadaan sa Port of Batangas na maglaan ng higit tatlong oras bago ang biyahe

Inabisuhan ng Philippine Ports Authority sa mga biyaherong gagamit ng Port of Batangas na maglaan ng higit tatlong oras na allowance bago ang biyahe.

Sabi ni PPA General Manager Jay Santiago, pansamantala kasing sinuspinde ng mga shipping lines sa nasabing pantalan ang advanced booking at online system nito.

Dahil dito, umiiral sa Port of Batangas ang first come, first serve basis sa pagkuha ng ticket sa mismong araw ng biyahe.


Kaya pinayuhan ni Santiago ang mga biyahero na maglaan ng karagdagang oras para sa pagpila ng ticket lalo na at inaasahang dadagsain ang mga pantalan ngayong Semana Santa.

Samantala, hinimok naman ang publiko na light travel o pagbiyahe ng kakaunting gamit lamang at iwasang magdala ng mga gamit na ipinagbabawal sa mga pantalan.

Facebook Comments