
Nagbukas ang Philippine Red Cross ng pagsasanay para sa mga nais maging first aiders sa kani-kanilang mga tahanan.
Ayon kay Philippine Red Cross Chairman and CEO Richard Gordon, mahalaga ang pagkakaroon ng first aiders sa bawat tahanan.
Ito ay lalo na’t tumataas ang temperatura na maaaring magdulot ng heat stroke at heat exhaustion.
Sinabi ni Gordon na bagama’t mayroon silang dalawang milyong volunteers sa buong bansa, hindi aniya ito kaagad-agad na makatatakbo para magresponde sa emergency cases.
Nilinaw naman ng Red Cross na may bayad ang pagsasailalim sa seminar ng first aiders.
Facebook Comments