Philippine Red Cross, nagsagawa ng community feeding sa Malabon City

Nasa 1,000 na apektadong residente ng Malabon City ang nakinabang sa hot meals on wheels ng Philippine Red Cross (PRC) nitong Setyembre 24.

Ayon sa PRC Malabon Chapter, nagpakalat sila ng mga food truck kung saan 200 na indibidwal ang nabigyan ng ready-to-eat meals sa Barangay Concepcion.

Bukod dito, magde-deploy rin ang Red Cross ng food truck sa Brgy. Catmon at target na mabigyan ng ulam at kanin ang 300 na benepisyaryo na kabilang sa nasa tinatawag na vulnerable sector tulad ng senior citizen, persons with disabilities at solo parents.


Magpapatuloy rin ang community feeding sa Brgy. Maysilo bukas sa Setyembre 28 at Brgy. Longos sa Setyembre 30.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, layon nitong makapagbigay kahit papaano ng makakain para sa mga taong naapektuhan ng COVID-19.

Facebook Comments