Philippine swimming team, magsasagawa ng national team try-out para sa SEA Games 2022

Magsasagawa ang Philippine Swimming Inc. (PSI) ng national team try-out para makapili kung sinu-sino ang kakatawan sa bansa sa nalalapit na Vietnam Southeast Asian Games sa May 2022 at sa iba pang kompetisyon.

Isasagawa ang 2022 PSI National Open (PNO) mula February 25 hanggang 27 sa Rizal Memorial Sports Complex swimming pool.

Ayon sa PSI, ang naturang try-out ay gagawin sa ilalim na full bubble format para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa kontra COVID-19.


Matatandaan, noong nakaraang Oktubre, nagsagawa ang PSI ng national team selection bubble sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac, kung saan ang mga napiling aplikante ay kumatawan sa 15th FINA World Swimming Championships 2021 noong Disyembre at 19th FINA World Championships noong Mayo.

Facebook Comments