Naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP ngayong araw, bumaba na sa 286

Patuloy na bumababa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Nasa 286 na active cases ng naturang sakit ang naitala ngayong araw sa PNP.

Ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa naitala kahapon na 323.


Sa datos ng PNP Health Service, nakapagtala ng 24 new cases at 61 new recoveries ng COVID-19.

Sa kabuuan, umabot na sa 48,723 ang mga tinamaan ng virus habang 48,309 naman ang mga gumaling.

Wala namang naitalang nasawi sa COVID-19 ngayong araw kaya nananatili sa 128 ang mga namatay sa sakit.

Facebook Comments