PHILIPPINES FOOTBALL LEAGUE | Ceres Negros at Stallion Laguna, parehong wagi

Manila, Philippines – Umiskor ang magkapatid na Manny at Mike Ott para ibigay sa Ceres Negros FC ang 2-1 come from behind win kontra Kaya Iloilo FC sa Panaad Stadium sa pagpapatuloy ng Philippines Football League.

Unang lumamang ang mga taga Iloilo matapos makagoal sa 61st minute si Jordan Mintah.

Pero nagawang makabalik sa laro ang defending league champions na mga taga Bacolod sa tira ni Manny Ott sa 75th minute. Ibinigay naman ni Mike Ott ang panalo sa Ceres sa 85th minute strike nito.


Samantala…naungusan naman ng Stallion Laguna FC ang Global Cebu FC, 2-1 sa kanilang bakbakan sa Biñan Football Stadium.

Facebook Comments