“This successful event marks a milestone in achieving the goal of RCEF in Mechanization Program, complementing the thrust of the Department of Agriculture,” pagbibigay diin ng Department of Agriculture Secretary- William D. Dar, sa kanyang pamungad na mensahe sa kauna-unahang simulcast virtual graduation ng PHilMech’s Radyo Eskwela: Angat Ani Sa Tamang Makinarya.
Naging katuwang ng PHilMech ang Radio Mindanao Network [RMN] sa pagsasahimpapawid ng programa gamit ang pitong regional language na Tagalog, Hiligaynon, Cebuano, Waray, Chavacano, Bicolano, at Iloco sa lahat ng RMN AM radio stations-nationwide. Nagkaroon din ito ng live streaming sa Radyo Eskwela Facebook Page at YouTube Channel noong June 30 (part 1- recognition) at July 3 (part 2 recognition-graduation), 5:30 -6:00AM.
Higit kumulang 9,097 farmer-beneficiaries ang nakapagtapos sa Radyo Eskwela Season 1. Kinabibilangan ito ng 648 farmers cooperatives and associations (FCAs) mula sa 2019 RCEF Mechanization Program na mga kwalipikadong benepisyaryo; 6,915 FCAs ng Luzon, 591 sa Visayas, at 1,481 naman sa Mindanao. Ang 6,488 dito ay lalaki habang 2,609 ang babae.
Binigyang parangal naman, ang 15 na FCAs at limang miyembro ng FCA sa mga kategorya na “Most Active FCA Members; Most Improved; Top 5 Highest Scores (Group and Individual Category) at Highest Number of Enrolees ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
“Kahanga-hanga kayo dahil ipinakita ninyo na ang lahat ay maaabot sa kabila ng ating kinahaharap na pagsubok…” wika ni Sec. William D. Dar sa mga nagsipagtapos na farmer- beneficiaries.
“Nagpapasalamat po kami sa Radyo Eskwela at natutuhan po namin ang mga bagay na tungkol sa mga makinarya, sabi nga po na nagkaroon kami ng karunungan at umani ng tagumpay…ito po ay napakalaking bagay sa aming mga magsasaka…,” wika ni Rogelio Castillo mula sa Mataas na Sampaloc, Rice Vegetable and Livestock, Association, nakatanggap ng parangal bilang Most Active FCA member.
Ayon naman kay Quintin Aveno, ang ka-eskwela (kalahok) na tumanggap ng Most Improved Award mula Alitas Farmers Association “Marami po kaming natutuhan mula sa guro namin sa radio… mula po sa batas na Republic Act 11203 na Rice Tarrification Law, kahalagahan ng RCEF, paghahanda at makatapos – ani na paggamit ng mga tamang machine.”
Ang bawat espesyalista mula PHilMech ay ibinahagi ang iba’t ibang pamamaraan at stratehiya gamit ang mekanisadong pagsasaka na nakapaloob sa anim na modules at 18 na aralin gamit pa din ang pitong regional language na Tagalog, Hiligaynon, Cebuano, Waray, Chavacano, Bicolano, at Iloco.
“Natutuwa po kami na dialect na ang mga aralin, mas madali na pong maunawaan ang mga aralin na itinuturo sa amin,” mula sa representative ng Pagsabagangan Farmers and Irrigators Multipurpose Cooperative.
“Nagpapasalamat po kami na kahit sa panahon ng pandemya, patuloy ang pagtulong ninyo sa aming mga magsasaka,” pagbibigay diin ng representative mula Magcabalicatpo Irrigators Association, Inc.
“ … dahil sa Radyo Eskwela natutuhan ko po na sa paggamit ng mga makinarya mas napabilis ang pagtratrabaho at nakatipid sa gastos, ” Glen Palmejar miyembro ng Agutayan-Cubay Agrarian Reform Cooperative, na nakatanggap ng dalawang parangal (most active and highest score).
Samantala, hinikayat naman ni Dr. Milagros B. Gonzalez, Chief ng Applied Communication Division (ACD) ng PHilMech na magpatuloy ang bawat isa na magsikap upang maipakalat ang impormasyon at maabot pa ang bawat magsasakang Pilipino.
“ Tandaan, na ang mga natutuhan ninyo na kaalaman ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit ano mang bagay, ” dagdag ni Dr. Baldwin G. Jallorina, PHilMech Director IV
Sa pagtatapos ng programa, binigyang pugay din ang mga espesyalista at tagapagsalita mula sa PHilMech na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa 30-minute educational awareness activity mula March 17 hanggang June 9, 2021.
Ang mga 2020 na kwalipikadong benpesiyaryo naman ng RCEF Mechanization Program, ang susunod na kalahok ng PHilMech’s Radyo Eskwela Season 2.
Mga natatanging FCA at FCA Members na binigyang parangal sa Radyo Eskwela Season 1:
- Most number of enrollees in Luzon: Makabagong Manggawa Sa Bukid ng Sibut with 81 enrollees
- Most number of enrollees in Visayas: Mambog Farmers Credit and Cooperative with 30 enrollees
- Most number of enrollees in Mindanao: Kiyaab Farmers Associations with 35 enrollees
Most active FCA Member:
- Marcela Cleofas Fontejos, San Miguel Irrigators and Rice Producers Consumers Cooperative (SANMIRPCCO) of San Miguel, Leyte.
- Rogelio Castillo, Mataas na Sampaloc, Rice Vegetable and Livestock, Association, San Miguel Bulacan
- Glen Palmejar , Agutayan-Cubay Agrarian reform Cooperative
- Mary Claire Palmejar, Agutayan-Cubay Agrarian Reform Cooperative
- Edelberto Salazar, CCNT Farmers Associations, Inc.
- Felciano Lambus, Pura Agricultural Farmers Association Incorporated
- Barfa Brgy. Arbismen
Most Improved FCAs Member (highest gained knowledge):
- Mirasol Simas, Municipal Local Government Unit of Tampakan
- Lyncel L. Acupan, San Vicente Multipurpose Cooperative
- Felix R. Manalo, Kinatihan 1 Farmers Association
- Quintin C. Aveno, Alitas Farmers Associations
TOP 5 Highest Score (FCA members)
- Cleofas Pontejos, San Miguel Irrigators and Rice Producer Consumer Cooperative
- Glen Palmejar, Agutayan-Cubay Agrarian Reform Cooperative
- Edilberto Salazar, Brgy. Linao Ura Farmers Association
- Mary Claire Palmejar, Agutayan-Cubay Agrarian reform Cooperative
- Feliciano Lambus, Pura Agricultural FA Inc.
TOP 5 Highest Score (FCA):
- Kitaotao Irrigators Association, Bukidnon
- Batong Bakit Irrigarors Association Inc., Pangasinan
- Cangungbang Agraraian Reform Cooperative Careco, Leyte
- Esperanza Farmers and Animal Raiser Association, Aurora
- Calzada Multipurpose cooperative, Pangasinan