1ST IPMFC, NANGUNGUNA SASUMMER SPORTS OLYMPICS

11
Cauayan City, Isabela- Nangunguna parin ang 1st Isabela Provincial Mobile Force Company o IPMFC at District 4 kung saan nakuha ng 1st IPMFC ang kampeonato sa Tug of war, Walkaton at Sack Race para sa Men Category at Donut Race naman para sa Women Category.

Nakuha naman ng District 4 ang kampeonato sa Tug of War, Walkaton, Sack Race para sa Women Category at Donut Race naman sa Men Category.

Para naman sa larong Basketball, nangunguna rin ang 1st IPMFC maging ang District 1 at 3 sa Men Category.
Lamang naman sa larong Volleyball sa men category ang 2nd IPMFC, NOSU, District 5 at 6 samantalang ang District 3 at 5 sa Women Category ay may dalawang panalo na.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang tunggalian ng sampung koponan sa isinasagawang IPPO SUMMER SPORTS OLYMPICS para tuluyang makuha ang pinaka aasam na kabuuang kampeonato.

Facebook Comments