FUEL DISCOUNT VOUCHER, IBIBIGAY NA

19
Cauayan City, Isabela- Anumang araw ngayong Linggo ay sisimulan na ang pamamahagi ng fuel discount vouchers sa mga kwalipikadong corn farmers at fisherfolks sa Lambak ng Cagayan.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Regional Director Narciso Edillo kung saan mauuna ang dalawang bayan sa Cagayan na kinabibilangan ng Amulung at Alcala.

Isusunod namang bibigyan ang mga recipient sa iba pang mga bayan sa Cagayan at susundan ng Isabela at mga karatig pang probinsya sa rehiyon.

Nasa 6,000 na recipients muna mula sa iba’t-ibang bayan sa rehiyon dos ang inisyal na mabibigyan ng tulong mula sa 11,811 na kabuuang bilang ng benepisyaryo.

Tinataya namang nasa halagang P3,000 na fuel discount voucher ang matatanggap ng bawat kwalipikadong magsasaka ng mais at mangingisda.
TAGS; CAGAYAN FISHERFOLKS,FUEL DISCOUNT VOUCHER

Facebook Comments