Ayon kay Jun, nagtungo umano ito sa nabanggit na opisina upang kunin ang kaniyang National ID na matagal na rin umano nitong hinihintay.
Subalit, hindi umano nito nakuha ang kaniyang pakay dahil sinabi umano ng kaniyang nakausap na “sako-sako” pa ang kailangang halughugin upang mahanap ang nasabing ID.
Kaugnay nito, ayon naman sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Larina Paclarin Reyes, Post Master ng Philippine Postal Office Cauayan, ipinaliwanag umano nito na kinakailangan lamang umanong “maghintay” ni Jun sapagkat kinakailangan ng mahaba-habang oras sa paghahanap dahil na rin sa dami ng mga dumating na National ID sa kanilang opisina.
Paglilinaw nito, gustuhin man umano ni Ginang Reyes na ibigay na kaagad ang National ID ni Jun ngunit wala pa umanong naka assign na kartero para sa pagdedeliver ng mga liham at iba lang IDs sa baryo na kung saan umano nakatira si Jun.
Kaugnay nito, pinabulaanan rin ni Ginang Reyes ang “sako-sako” umanong nakaimbak sa kanilang opisina na naglalaman ng mga national ID
Ngunit inamin nito na may dumating sa kanilang nasa higit 5,000 piraso ng mga sulat kabilang na ang mga IDs.
Ayon pa kay Ginang Reyes, linggo-linggo rin umano ang kanilang isinasagawang pagdedeliver ng mga sulat sa buong lungsod ng Cauayan.
Subalit, nagkakaroon lamang umano minsan ng delay dahil na rin sa apat (4) lamang ang kanilang kartero.