*Cauayan City, Isabela*- Umaabot sa 4,754 sako na tumitimbang ng 20 kilos bawat isa ang naturang certified seeds na ipinamahagi sa mga magsasaka ng palay sa Bayan ng Anagdanan, Isabela.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Richelle Villanueva, Quirino at Isabela South Coordinator ng PhilRice, patuloy naman ang pamamahagi ng PhilRice ng libreng binhi sa mga magsasaka na pangunahing tinatanim ay Palay sa nasabing bayan.
Ito ay bahagi pa rin ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Department of Agriculture.
Makakatanggap ng libreng ay pawang mga nakarehistro sa Municipal Agricuture Office (MAO) na nagsasaka ng dalawang ektarya pababa.
Natuwa naman ang ilang magsasaka sa kabila ng bagsak na presyo ng palay ay bahagyang naibsan ang kanilang pagkalugi nang makatanggap sila ng libreng binhi mula sa Philrice.