Phivolcs, iginiit na hindi pa rin ligtas na bumalik sa Taal volcano island

Iginiit ng Phivolcs na base sa siyensya ang mga impormasyon at datos na inilalabas nila kaugnay sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ito ang kanilang depensa matapos silang banatan ni Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan.

Ayon kay Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Division Chief Mariton Bornas – pinag-aralan nila ang kanilang mga datos bago isapubliko.


Nanindigan din si Bornas – na hindi pa rin nawawala ang banta ng pagsabog sa ilalim ng bulkan.

Nagkaroon din ng pagbabago sa itsura ng bulkan kung saan may pagtagilid sa isla, may paglubog sa hilagang silangang bahagi ng lawa, nagkakaroon na rin ng deposito ng mga abo, at dumarami ang mga nakikitang bitak sa paligid ng volcano island.

Facebook Comments