PHIVOLCS itinaas sa magnitude 5 ang lindol na tumama sa Mabini, Batangas

83

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) sa 5.0 na magnitude ang lakas ng pagyanig na naramdaman sa Batangas.

Ito ay mula sa naunang 4.5 na magnitude na naitala kaninang 1:25 ng hapon.


Nadagdagan din ang mga lugar na nakaranas ng pagyanig.

Intensity IV – Mabini, San Luis, Lemery, Rosario, Agoncillo, Calatagan, Balayan, Bauan, Sta. Teresita, Batangas, Tagaytay City, Alfonso at Amadeo, Cavite
Intensity III- Batangas City, Malvar, Talisay, Tanauan, Alitagtag Batangas, San Pablo, Laguna
Intensity II- Quezon City, Mandaluyong City, Navotas City, Majayjay, Laguna, Dolores, Quezon
Intensity I- Malabon City, Pasay City, Talisay, Batangas, Sta. Cruz, Laguna

Instrumental Intensities:
Intensity IV- Calatagan, Batangas, Tagaytay City
Intensity II- Muntinlupa City, Dolores, Quezon
Intensity I- Quezon City, Carmona at Bacoor City, Cavite; Mauban, Quezon; Talisay, Batangas

Wala namang na-monitor na mga pinsala sa imprastraktura.




Asahan ang mga aftershock ayon sa PHIVOLCS.

Ayon sa PHIVOLCS, natunton ang pagyanig sa layong 008 km Timog Kanlurang bahagi ng Mabini Batangas.

Facebook Comments