Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay na ginawang warehouse ng iligal na droga sa isang exclusive subdivision sa muntinlupa city, kagabi.
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, aabot sa P1.1Bilyong piso ang halaga ng 166 kilo ng shabu na kanilang nakumpiska sa isang bahay sa ayala alabang village.
Naaresto rin sa operasyon ang apat na chinese nationals.
Ayon kay Aquino, pinaniniwalaan na ang mga narekober na shabu ay galing sa grupong golden triangle region dahil sa kahalintulad ng paraan ng pagkakabalot na una nang nakumpirska sa mga bansang Malaysia, Thailand at Vietnam.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Aquino ang mga opisyal at miyembro ng homeowners association ng mga exclusive subdivision na maging maingat sa pagpapaupa ng mga bahay.
Bukod sa mga naaresto suspek, pinag-aaralan na rin ng PDEA ang pagsasampa ng kaso sa may-ari ng bahay na isang Josephine Ong.