Sa naturang proposed ordinance, mabibigyan ng tulong pinansya ang mga rehistradong senior citizen mula sa apatnapu’t tatlong (43) barangay ng lungsod base sa age bracket kung saan ang mga edad 60-69 ay makakatanggap ng Php 1,000; 70-79 years old ay tatanggap ng Php 1, 200; 80-89 years old ay Php 1,500; at 90 years old pataas ay Php 2,000.
Ang nasabing tulong ay ipagkakaloob ‘semi-annualy’ kung saan matatanggap ang kalahati sa buwan ng July kada tao habang ang pangalawang bugso ay ibibigay sa Disyembre ng bawat taon.
Ayon sa may akda ng ordinansa na si Bagayao,ang mga gastusin sa gamot at iba pang medical concerns ay matutugunan kahit papaano sakaling maipasa ang ordinansa.
Dagdag niya, higit na kailangan ng mga senior citizen ang karagdagang mapagkukunan ng gamot o iba pang pangangailangan sa kabila ng kanilang katandaan.
Ang anumang tulong na monetary allowance ay malaking ambag sa mga senior citizen upang matugunan ang kanilang mga gastusin sa gamot at iba pang pangangailangan ng mga ito.