Muling pinalawig ng Korte Suprema hanggang sa April 18,2021 ang physical closure sa lahat ng korte at court offices sa National Capital Region at sa mga karatig na lalawigan
Kabilang dito ang Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite sa harap ng pagtaas ng kaso COVID-19 sa naturang mga lugar.
Kasunod na rin ito ng kahilingan ng mga hukom at ng mga empleyado na siyang inaprubahan ng Supreme Court en banc sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sakop ng kautusan ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at trial courts.
Inaatasan naman ng Korte Suprema ang mga hukuman at mga huwes sa naturang mga lugar na ituloy ang operasyon sa pamamagitan ng videoconferencing o remote conferencing hearings sa mga nakabinbin na kaso maging urgent man o hindi.