Pilipinang madre, patay matapos magkaroon ng COVID-19 habang nasa Spain

Nasawi ang 71-anyos na Pilipinang madre sa India dahil matapos magkaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nakuha niya umano sa Spain.

Kinumpirma nitong Linggo sa isang Facebook post ng Missionary Benedictine Sisters’ Indian community ang pagkasawi ni Sr. Maria Gratia Balagat dahil sa naturang sakit.

Nakasaad sa post, “Very sad news to report. Our Congregation has had the first death from Covid-19. Sr. Maria Gratia Balagat was a Filipina Sister who was the superior of our community in India.”


Ayon dito, nakuha raw ni Balagat ang virus nang magpunta ito sa Spain para irenew ang kanyang visa.

“Please pray for her and for her community in India…and for the whole congregation during this difficult time,” pakiusap naman ng Missionary Benedictine.

Base sa report ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, taong 2016 nang magsimulang magkaroon ng missionary sa India si Balagat.

Samantala, naitala naman ang bansang Spain na pumapangalawa sa Italy sa may pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases sa Europe na mayroon ng 73,000 kaso noong Linggo.

Kaugnay nito, tinatayang umabot na sa mahigit 666,200 ang mayroong COVID-19 sa 177 bansa kung saan mahigit 30,800 deaths na ang naitala.

Facebook Comments