Gumamit ng long-range fire assets tulad ng howitzer ang mga kinatawan ng Pilipinas at Amerika sa Balikatan Exercise.
Nagpaputok ang tropa ng military ng 155 milimmeter howitzer para sa isang target na 45 kilometro ang layo habang ginamit din ang 105 mm howitzer na kayang tamaan ang target na may 12 kilometro ang layo.
Ayon kay Balikatan Exercise Public Information Officer Major Al Anthony Pueblas, mahalaga para sa militar ang gumamit ng long-range fire assets upang protektahan ang bansa laban sa anumang banta ng terorismo.
Maliban dito, magpalipad din ang mga ito ng attack helicopters at ipinakita kung paano atakehin ang mga ground targets mula sa ere.
Facebook Comments