China, pinayuhan ang Pilipinas na tutulan ang kasarinlan ng Taiwan bilang pagpapakita ng malasakit sa 150,000 OFWs doon

Inabisuhan ng China ang Pilipinas na tutulan ang kasarinlan ng Taiwan.

Ito ay bilang pagpapatunay na may malasakit ang bansa sa 150,000 OFWs sa Taiwan.

Sabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, ang sitwasyon ng Taiwan ay pawang internal affair ng China katulad ng isyu ng Pilipinas sa Mindanao.


Samantala, muli namang iginiit ni Huang na ginagamit lamang ng Amerika ang itatayong bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites upang isulong ang pansariling interests at bulabugin ang kapayapaan sa rehiyon.

Facebook Comments