Pilipinas at Malta, nagkasundong palakasin ang Bilateral Labor Agreement sa pagitan ng 2 bansa

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na nagkasundo ang Pilipinas at Malta na palakasin ang 𝗯𝗶𝗹𝗮𝘁𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗹𝗮𝗯𝗼𝗿 𝗰𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 para sa proteksyon ng Overseas Filipino Workers (𝗢𝗙𝗪s).

Ito ay sa harap ng pagtaas ng bilang ng Pinoy workers sa Malta na umaabot na ngayon sa 12,000.

Karamihan sa OFWs sa Malta ay caregivers, domestic workers at iba pang serbisyo.


Kabilang sa pinaplantsa ngayon dalawang panig ang principles ng skills-based migration, worker protection, ethical recruitment, at employer accountability.

Ayon sa DMW, ito ay alinsunod sa Labour Migration Policy ng Malta at sa labor diplomacy agenda ng Pilipinas.

Facebook Comments