Sa katatapos lamang na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Defense Ministers’ Meeting Retreat at 9th ADMM-Plus kahapon, nakapulong ni Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., si New Zealand Minister of Defense Peeni Henare.
Natalakay sa pulong ang status ng bilateral defense relations sa pagitan ng Philippines at New Zealand at ang pagpapalakas ng kanilang areas of cooperation.
Ayon sa DND, bukas ang parehong bansa na magtulungan sa iba’t ibang aspeto.
Kasama na rito ang pagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR), pagtugon sa pandemya at pagtugon sa climate change.
Facebook Comments