Pilipinas at US patuloy ang pag-uusap sa kaso ni Dr. Salic na sinasabing sangkot sa nabigong terror attack sa New York

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na patuloy ang pakikipagugnayan ng pamahalaan sa gobyerno ng Estados Unidos ng America sa kaso ni Dr. Russel Salic, isang Pilipino na sinasabing suspect sa bigong New York terror plot.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patuloy ang palitan ng impormasyon ng dalawang bansa kaugnay sa nasabing issue habang inaayos narin ang extradition proceedings kay Salic na hiniling ng US.

Sinabi din ni Abella na sumasailalim ngayon sa preliminary investigation ng Department of Justice si Salic dahil narin sa pagkakaugnay nito sa Maute group, kasong pagpatay at kidnapping.


Sa ngayon aniya ay hawak ng NBI si Salic.

Facebook Comments