Pilipinas, dapat patuloy na i-pressure ang China ayon sa dating envoy

Hinimok ni dating Philippine Ambassador to the United States Jose Cuisia sa pamahalaan na patuloy na i-pressure ang China sa pamamagitan ng United Nations General Assembly (UNGA).

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na duda siya na makakatulong ang international body sa Pilipinas sa pagtataguyod ng karapatan nito sa West Philippines Sea.

Ayon kay Cuisia, hindi gumawa ng “follow-up” si Pangulong Duterte sa UNGA nang bigyang diin niya ang pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 arbitral ruling.


Dapat aniya i-pressure ang China sa pamamagitan ng UNGA at humingi ng suporta mula sa iba pang mga bansa dahil ang paghahain ng diplomatic protest ay walang saysay dahil ikinokonsidera lamang ito ng Beijing bilang ‘basura’

Panawagan din ni Cuisia kay Pangulong Duterte na huwag balewalain ang 2016 arbitral award.

Matatandaang nasa 60 diplomatic protest ang inihain ng Aquino administration laban sa China.

Facebook Comments