
Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na hindi dapat umasa ang Pilipinas sa mga tulong na ibinibigay ng ibang bansa.
Ito ang pahayag ng lider ng oposisyon sa Senado matapos na magdesisyon ang bagong presidente ng Estados Unidos na si Donald Trump na suspindihin muna ang halos lahat ng ipinagkakaloob nito na foreign aid.
Ayon kay Pimentel, dapat na matuto tayong mamuhay sa desisyon na ito ng US.
Hindi aniya dapat maging dependent o umasa na lamang palagi sa foreign aid ng ibang mga bansa ang Pilipinas.
Gayunman, sinabi ni Pimentel na dapat pa rin nating i-welcome o ikalugod ang lahat ng tulong na ipinagkakaloob ng ibansa bansa ng walang anumang kondisyon.
Ang US ay isa sa top donors ng Pilipinas pagdating sa Official Development Assistance o ODA projects.