Pilipinas, hindi hahantong sa economic recession – DOF Sec. Diokno

Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi hahantong ang Pilipinas sa “recession” o pagbagsak ng ekonomiya.

Ito ang tugon ni Diokno sa tanong ng Commission on Appointments (CA) kung ano ang mga plano ng Department of Finance (DOF) upang mabawasan ang epekto ng nagbabadyang global recession.

Ayon pa sa kalihim, kumpiyansa siyang hindi aabot sa recession ang Pilipinas dahil sa mataas na bilang ng “young population” ng bansa sa labor sector.


Dagdag pa ni Diokno, tinututukan din ng gobyerno ang agrikultura, pagbuhay sa mining, power industry, manufacturing, at pagpapadala ng overseas workers.

Manageable rin aniya ang utang ng bansa at hindi dapat ikabahala sa kabila ng patuloy na paglobo nito dahil mayroong malakas na economic strategy ang Pilipinas sa susunod na anim na taon.

Facebook Comments