Pilipinas, hindi na kailangang pagandahin para sa hosting ng ASEAN summit

Gusto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipakita ang tunay na Pilipinas sa hosting ng ASEAN Summit sa 2026.

Hindi na raw kailangang pagandahin dahil likas na maganda na ang bansa.

Ayon sa Pangulo, sapat nang makita ng mga neighboring countries ang kasipagan at kabaitan ng mga Pilipino, pati na ang likas yaman at kagandahan ng Pilipinas, para ma-appreciate ito ng buong ASEAN.

Dagdag pa niya, layon ng hosting na maipakita ang mga hakbang at repormang nagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa, at higit sa lahat, ang pagkakaisa ng mga Pilipino para sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.

Facebook Comments