Pilipinas, ika-56 sa mga bansang may pinakamataas na bilang ng hindi planadong pagbubuntis sa mga kababaihan

Lumabas sa pag-aaral ng United Nations Population Fund (UNFPA) na ika-56 ang Pilipinas sa 150 na mga bansang may pinakamataas na bilang ng hindi planadong pagbubuntis.

Dahil dito, nananawagan ang UNFPA sa pamahalaan na gumagawa ng aksyon tulad ng pagtugon sa isyu ng gender equality, women empowerment, malawak na access sa contraceptives at reproductive healthcare, pagpapalakas ng edukasyon sa sekswalidad, at pagbibigay trabaho sa mga kababaihan.

Batay kasi sa State of World Population Report 2022 ng UNFPA, umabot sa 121 million na pagbubuntis sa buong mundo ang hindi planado kung kaya’t maituturing itong unseen crisis dahil tila hindi umano ito napagtutuunan ng pansin.


Ayon pa sa UNFPA, aabot sa 257 million na kababaihan sa mundo ang nais umiwas sa pagbubuntis pero hindi naman ito gumagamit ng ligtas at modern method ng contraception.

Bukod dito ay nabatid din na kalahati sa bilang ng mga nabubuntis ay child mothers o mga batang ina.

Samantala, tiniyak naman ni Commission on Population (POPCOM) Director at Undersecretary Antonio Perez na tututukan ng susunod na administrasyon ang mga programa sa family planning at makakakuha ito ng malaking suporta sa mga mambabatas.

Facebook Comments