Tatlong security personnel ng subdivision na humarang sa mga pulis na mag-iimbestiga sa may-ari ng SUV na sumagasa sa security guard sa Mandaluyong City, sinampahan na ng reklamo

Sinampahan na ng reklamo ng Mandaluyong Police ang mga security personnel ng subdivision na humarang sa mga pulis na mag-iimbestiga dapat sa may-ari ng SUV na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City noong linggo.

Ayon kay Mandaluyong Police Chief Pcol. Mel Unos, nagsampa sila ng reklamong Obstruction of Justice sa Quezon City Prosecutors Office laban sa tatlong security guard.

Nabatid na dalawang beses nagtangkang pumasok ang mga pulis sa exclusive subdivision sa Ayala Heights Old Balara, Quezon City pero hindi sila pinapasok ng mga naturang guwardiya.


Samantala, umapela naman ang Philippine National Police (PNP) sa driver ng SUV na makipag-ugnayan at sumuko na sa mga awtoridad.

Facebook Comments