Pilipinas, inaasahang magkakaroon na ng supply ng Molnupiravir

Inaasahang magkaroon na ng suplay ng COVID-19 oral drug na Molnupiravir ang Pilipinas bago matapos ang taon.

Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, lumabas sa pag-aaral na malaki ang benepisyo ng Molnupiravir para sa mga senior citizen at may mga comorbidities.

Aniya, ibibigay ang nasabing gamot sa mga mild hanggang moderate cases at hindi sa mga may severe symptoms.


Una nang ipinabatid ng Food and Drug Administration (FDA) na ilang ospital na rin sa bansa ang kasama sa clinical trials para sa gamot na Molnupiravir.

Facebook Comments