Pilipinas, Indonesia at Malaysia, nag-sanib puwersa na para labanan ang terorismo at transnational crimes sa bansa

Manila, Philippines – Nagsagawa ng joint maritime patrols ang Pilipinas, Indonesia at Malaysia para labanan ang nagpapatuloy na pamamayagpag ng terorismo sa Mindanao.

Inilunsad ang trilateral maritime patrols sa Tarakan Island sa North Kalimantan, Indonesia.

Dinaluhan ito nina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Indonesian Defense Minister Ryamizard Ryacudu at Malaysian Defense Chief Hishammuddin Hussein.


Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, maliban sa common borders ng tatlong nabanggit na bansa ay pasok din sa babantayan ay ang Sabah na minsan nang pinag-agawan ng Pilipinas ay Malaysia.

Kabilang din aniya sa trilateral maritime patrols ang sharing of information, exchange of liaison officers at sharing of assets and forming of joint headquarters.

Facebook Comments