Pilipinas ipadadala na sa Canada ang mga basura na dinala dito sa bansa, gobyerno gagastusan ang pagpapadala nito

Inanunsiyo ngayon ng Palasyo ng Malacanang na dahil sa sobrang delay ng pagkuha ng Canada sa basura na dinala dito sa Pilipinas ilang taon na ang nakalilipas ay nag desisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte na ang gobyerno na ang magbalik nito sa Canada.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Panelo, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinauukulang tanggapan ng Pamahalaan na maghanap ng kumpanya na hahakot ng mga basura para dadalhin sa Canada na gagastusan ng gobyerno.

 

Sakali aniyang hindi parin tanggapin ng Canada ang nga basura ay iiwan nalang ito sa teritoryong sakop o sa karagatang nasa loob ng teritoryo ng Canada.


 

Ito aniya ay dahil talagang dismayado na si Pangulong Duterte sa tagal ng aksyon ng Canada sa issue ng basura at ito aniya ay senyales na hindi sineseryoso ng Canada ang Pilipinas at isa itong pangiinsulto sa Bansa.

 

Sinabi din ni Panelo na ito na ang pinal na desisyon ni Pangulong Duterte at hindi na ito bukas sa anomang negosasyon sa Canada.

Facebook Comments