Baguio City, Valenzuela at Parañaque, nangungunang siyudad sa COVID-19 response – Galvez

103

Iginiit ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na dapat maging pamantayan sa ibang Local Government Units (LGU) ang COVID-19 response ng lungsod ng Baguio, Valenzuela at Parañaque.

Pinuri ni Galvez ang tatlong LGU dahil sa kanilang ‘holistic’ action laban sa pandemya.

Bukod dito, maayos ding naipatutupad ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate strategy at ang pinaigting na contact tracing efforts.

Samantala, pinayuhan naman ni Galvez ang mga alkalde na maglaan ng 1,000 beds eksklusibo para sa COVID-19 patients.

Facebook Comments