Manila, Philippines – Magkakaroon ng hiwalay na pulongang Pilipinas sa Vietnam at Russia sa susunod na linggo para pag-usapan ang posibleng paglagda Sa Joint Economic Commission (JEC) Agreement.
Ayon kay Trade Usec. Ceferino Rodolfo – mahalaga ang JEC sa Vietnam dahil malaki ang bentaha nito sa free trade agreement sa European Union at sa partisipasyon nito sa trans-pacific partnership agreement.
Paliwanag pa ni Rodolfo, layunin ng JEC sa Vietnam at Russia na palakasin ang economic cooperation ng tatlong asean member states.
Sa kabilang banda, ang JEC naman sa Russia ay sesentro sa kooperasyon sa mga sektor ng imprastraktura, enerhiya, high-technology industries at aerospace.
Dagdag pa ni Rodolfo, handa ang Russia na bumili ng 2.5billion us dollars na halaga ng mga produktong pang-agrikultura sa Pilipinas.
Nitong Enero lang ay nagkaroon ng bilateral meeting si Rodolfo kay Russian Deputy Minister of Economic Development Alexander Tsybulskiy kung saan napag-usapang JEC sa pagitan ng dalawang bansa.