Pilipinas, malayo pa upang maabot ang rabies-free status

Inihayag ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nananatiling nasa “high risk” classification ang Pilipinas pagdating sa rabies.

Ayon sa Department of Health (DOH), naglalaro sa 200 hanggang 300 indibidwal ang namamatay kada taon dahil sa rabies.

Mababatid na iginiit ng United States Center for Disease Control and Prevention (US CDC) na kada minuto ay may naamamatay bunsod ng rabies.


Karamihan ng mga naitatalang nasawi bunsod nito ay nangyayari sa Asia at Africa kung saan mayorya ng biktima nito ay pawang mga batang 15 taong gulang pababa lamang.

Dahil dito ay bingyang-diin ng US CDC ang kailangang seryosohin ang epekto ng rabies sa komunidad gayong ang sakit ay 100% na maiiwasan pero mayroon pa ring naitatalang 60,000 namamatay kada taon dahil dito.

Ang rabies ay isang sakit na nakukuha sa kagat ng hayop lalo na sa mga aso at kung hindi bakunado ang biktima ay mabilis na aatakehin ng virus ang utak ng pasyente na nagreresulta sa kamatayan.

Sa ngayon, wala pa ring nabubuong gamot para sa rabies pero may bakuna naman upang maiwasang makuha ito.

Facebook Comments