Pilipinas, mayroong legal at diplomatikong obligasyon para makipagtulungan sakaling totoo na may arrest warrant ang ICC laban kay FPRRD

Para kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, mayroong legal at diplomatikong obligasyon ang Pilipinas para makipagtulungan sakaling totoo na may arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Chua, kahit kumalas na ang ating bansa sa ICC ay nananatili pa rin tayong miyembro ng International Criminal Police Organization (Interpol).

Sa katunayan, ayon kay Chua, humingi tayo ng tulong at suporta sa Interpol noong hinahanap natin si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa ibang bansa.

Bunsod nito ay iginiit ni Chua na hindi maganda na tataliwas tayo sa arrest warrant ng ICC dahil kapag tayo naman ang nangangailangan ay tinutugunan nila.

Facebook Comments