DOJ, wala pang notice ng warrant of arrest mula ICC para kay FPRRD

Wala pang natatanggap ang Department of Justice (DOJ) na abiso mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa umano’y napapabalitang warrant of arrest na inilabas laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ambush interview, sinabi ni DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano na gayunman ay handa ang kagawaran sakaling maglabas na ng warrant.

Pero posibleng iba ang maging proseso sa pagsisilbi ng warrant dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas.

Marami naman daw pwedeng opsyon ang ICC gaya ng pagdiretso sa counterparts na law enforcement agencies o kaya naman sa third party country na miyembro pa rin ng ICC.

Facebook Comments