Lumagda ang Pilipinas at South Korea sa isang kasunduan na 100-million dollar loan upang mapalakas pa ang pagbabakuna ng bansa laban sa COVID-19.
Ang naturang kasunduan ay ikalawang bugso sa ilalim ng Program Loan for COVID-19 Emergency Response Program-Vaccination Program (PLCERP).
Siniguro ni Finance Secretary Carlos Domiguez III na malaki ang maitutulong ng loan sa pagpapalakas ng malawakang vaccination program ng pamahalaan kasabay ng hangaring mapabangon ang ekonomiya ng bansa sa 2022.
Mababatid noong Oktubre ng nakaraang taon ay naibigay ng South Korea ang unang bugso ng PLCERP na nagkakahalaga rin ng 100 milyong dolyar kung saan inilaan ito sa pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Ang naturang loan ay babayaran sa loob ng 30 taon na mayroong 10 taong palugit at may fixed interest rate na 1.5%.