Pilipinas, muling namayagpag sa “29th World Travel Awards” sa Vietnam

Muling namayagpag ang Pilipinas sa larangan ng turismo ngayong taon.

Ito ay matapos kilalanin ang bansa sa kakatapos lang na “29th World Travel Award” sa Vietnam.

Ang Pilipinas ang nangunguna sa beach at dive destination sa Asya.


Ito na ang ika-apat na sunod na taong pagkilala sa mga diving spot, habang ito ang ika-anim na pagkilala sa ganda ng mga dalampasigan ng bansa.

Nanguna naman ang Intramuros, Manila bilang tourist attraction sa Asya na tinalo ang Angkor Temples ng Cambodia at Taj Mahal ng India.

Kasunod nito, ikinatuwa at nagpasalamat si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa natanggap ng Pilipinas na pagkilala at binigyang-diin nito ang kahalagahan ng turismo.

Ang World Travel Awards (WTA) na nabuo sa Europa noong 1993 ay itinuturing na Oscars sa larangan ng turismo.

Facebook Comments