Pilipinas na sungkit ang pang limang gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam

Mayroon nang limang gintong medalya ang pilipinas sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Unang nagkamit ng gold medal si Francine Padios ng Pencak Silat sa score na 9.960 laban kay Arum Sari ng Indonesia.

Nakuha naman ni Jack Escarpe ang pangalawang gold medal ng Pinas sa Men’s Kurash -73kg event.


Sumunod sina Filipino Olympian at gymnast Carlos Yulo na nakakuha ng 85.150 points sa kanyang performance sa all apparatus at tinalo ang pambato ng Vietnam na sina Thanh Tung Le at Phoung Thanh Dinh.

Kickboxer Jean Claude Saclag sa men’s 63.5kg low kick, matapos manalo kontra kay Chaleamlap Santidongsakun ng Thailand.

Kickboxer Gina Iniong na nadepensahan ang kanyang Sea Games gold medal sa women’s 60kg low kick final laban kay Waraporn Jaiteng ng Thailand.

Facebook Comments