Pilipinas, naghahanap ng iba pang suppliers ng investigational drugs laban sa COVID-19 – DOH

Naghahanap ang Pilipinas ng iba pang suppliers ng investigational drugs laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) lalo na at kinahaharap ng India ang surge ng COVID-19 infections.

Ang India ay major drug supplier sa buong bansa.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naghananap na ang pamahalaan ng iba pang mapagkukunan ng investigational drugs.

Partikular na nakikipag-usap ang Pilipinas ay sa major supplier sa Switzerland ng Tocilizumab.

Nakikipag-usap din ang bansa sa mga supplier ng Remdesivir.

Ang paggamit ng Remdesivir at Tocilizumab ay nakabatay sa World Health Organization (WHO) Solidarity Tirals na ginagamit lamang sa critical at severe cases.

Ang Remdesivir ay ginagamit sa bansa sa ilalim ng Compassionate Special Permit, habang ang Tocilizumab ay nakarehistro bilang anti-inflammatory drug.

Facebook Comments